^

Bansa

Parole para lang sa mayayaman

-

MANILA, Philippines - Dapat umanong ma­ ging patas ang pamaha­laan sa pagpapalaya sa mga bilanggo.

Ito ang naging apela ni Palawan Bishop Pedro Arigo sa gobyerno bunsod na rin ng pagpapalaya kay convicted rapist na si da­ting Zamboanga del Norte Congressman Romeo Jalosjos.

Ayon kay Arigo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care, mas mara­ming bilanggo na nakapag­silbi na ng higit sa kanilang term of imprisonment su­balit hindi nakalalabas ng ku­lungan dahil hindi na­pagtu­tuunan ng pansin ng gob­yerno.

Aniya, kadalasang na­bi­big­yan ng parole o commutation ang mga bilanggo na prominente at maya­yaman.

Kinakailangan din uma­ nong magsagawa ang pa­mahalaan ng muling pag-aaral ng kaso ng mga ma­liliit na bilanggo, upang ma­laman kung sapat na rin ang kanilang pananatili sa loob ng kulungan.

Wala namang nakaka­alam sa panig ng gobyerno kung totoong nagkasala ang lahat ng mga bilanggo na nakapiit ngayon sa New Bilibid Prison.

Aniya, nakadidismaya dahil pinipili lamang ng pangulo ng bansa ang mga bilanggong pinagkaka­looban ng pardon o commutation.

Masakit lamang uma­nong isipin na mas lalong nabubulok sa kulungan ang mga bilanggong mahihirap at walang kakayahang lumaban sa korte at iapela ang kanilang mga kaso. (Doris Franche)

vuukle comment

ANIYA

ARIGO

DORIS FRANCHE

EPISCOPAL COMMISSION

NEW BILIBID PRISON

NORTE CONGRESSMAN ROMEO JALOSJOS

PALAWAN BISHOP PEDRO ARIGO

PRISON AND PASTORAL CARE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with