Promo ng condom binira ng obispo

MANILA, Philippines - Binatikos ni Nova­liches Bishop Teodoro Bacani ang “publicity” o gimik na gina­gawa ng ma­nufacturer ng condom kung saan paga­gamitin ng kompan­ya ng condom ang mag-asawa ka­palit ng kani­ lang paha­yag sa kani­lang ka­ranasan sa pag­gamit nito.

Ayon kay Bacani, ang hakbang na ito ng Durex ay maituturing na isa sa pina­kawalang kuwen­tang pro­mosyon. 

Nabatid na sinumang sasali sa promotion na may temang “What makes the best Durex Condom Tes­ter?” ay ma­aaring ma­nalo ng P50,000 cash at ilang produkto mula sa Durex.

Aniya, mariing tinu­tutu­lan ng Simbahang Katoliko ang paggamit ng condoms at iba pang contraceptive kung ka­ya’t hindi lulusot sa kanila ang gimik ng nasa­bing manufacturer.

Nababahala din si Ba­cani na sumali ang pub­liko sa promosyon dahil na rin sa panga­ngaila­ngan sa pera.

Lumilitaw na target ng condom maker na mag­ka­roon ng panel na aabot sa 500 na pawang mga mag-asawa kung saan ilalahad ng mga ito ang kanilang masasabi sa paggamit ng con­doms at lubricants. (Doris Franche)

Show comments