Multang P2,000 lang ang parusa ng korte laban sa isang opisyal ng pahayagang Peoples Brigada kaugnay sa ginawa nitong pagbabanta kay Philippine Amusement and Gaming Corporation Chairman Efraim Genuino.
Si Leo Villan, CEO ng nasabing tabloid, ay napatunayang guilty sa kasong paglabag sa Art 356 ng Revised Penal Code.
Una na umanong binantaan ni Villan sina Genuino at Mabuhay Rosero ng surveillance department na ilalathala nito ang lahat ng kabulukan ng dalawa sa nasabing tabloid kung hindi magbibigay ng P2 milyon.
Ikinatuwiran ni Rosero sa korte na nagharap sila ni Villan sa Hyatt Regency Hotel at inalok ng huli na di isisiwalat sa dyaryo ang artikulong makasisira kay Genuino.