80 pulis sibak sa droga

Umaabot na sa 80 tauhan ng Philippine Na­tional Police ang tinang­gal sa serbisyo matapos mapatunayang guma­ga­mit ng ipinagbabawal na gamot sa isinaga­wang random drug test noong taong 2008 na inaasahang madarag­dagan pa nga­ yong taon.

Ito ang nabatid kaha­pon kaugnay ng deter­mi­na­dong kampanya ng PNP upang linisin ang ka­nilang bakuran laban sa mga tiwaling opisyal at ta­uhan na gumagamit at na­sasangkot sa illegal na akti­bidades ng iligal na droga.

Ayon kay PNP Spokes­man Chief Supt. Nicanor Bartolome, 24 pa na pulis ang nasuspinde, lima ang na-demote o ibinaba ng ranggo, 79 ang patuloy na dinidinig ang kaso, habang may ilan pa ang napilitang magbitiw sa tungkulin at nag-AWOL (Absense With­ out Official Leave) matapos masabit sa droga.

Umabot na sa 25,134 pulis ang isinalang sa drug test kasama ang mga opis­ yal mula sa target na halos 30,000 o 25 % ng 120,000 kabuuang pwer­sa ng pambansang pu­lisya. (Joy Cantos)

Show comments