Ugnayan ng DepEd sa pribadong sektor lalawakan

Inatasan kamakailan ni Pangulong Arroyo ang Department of Education na palawakin ang pakikipag-ugnayan nito sa pribadong sektor para mapalakas ang pagtuturo ng information and communication technology sa mga pam­publi­ kong paaralan.

“Nasisiyahan ako na ang DepEd at ang ibang institusyon ay nakikipag-ugnayan sa nangungu­nang IT company na Intel para mapabuti ang ICT access sa mga paaralan,” sabi ng Pangulo.

Pinarangalan kamaka­ilan ng Intel ang Mindanao State University-Iligan Institute of Technology, Su­rigao City at Laguna dahil sa pagtataguyod ng ICT sa edukasyon.

Isinagawa ang para­ngal sa 3rd Intel Teach Award for 21st Century Educators sa EDSA Shangri-La Hotel.

Pinuri ni DepEd Secretary Jesli Lapus ang Intel dahil sa makabagong pa­mamaraan nito na pinaki­kinabangan sa mga pam­publikong paaralan.

Show comments