^

Bansa

Impeachment vs GMA inendorso na ni JDV

- Rose Tamayo-Tesoro -

Nakahanda uma­ nong harapin ni dating House Speaker at Pangasinan Rep. Jose de Venecia ang ma­giging “karma’ sa kanya sa ginawang de­sisyon nito ng pag-in­dorso ng panibagong impeachment complaint na isinampa laban kay Pa­ngulong Arroyo.

Sinabi ni JDV sa gi­na­­nap na pulong-bali­taan sa Makati City na handa na siya sa anu­mang kahihi­natnan ng kanyang pag-indorso, lalo’t natikman na umano nito ang galit ng Mala­cañang hindi lamang isa kundi dala­wang beses tulad ng pagpapatalsik sa kanya bilang pinuno ng Kamara at pagtang­gal bilang pinuno ng Lakas-NUCD party.

Bukod sa pag-iin­dor­so, handa na rin umano si De Venecia na tumes­tigo laban sa Pangulo sa oras na simulan na ang pagdinig sa Kamara.

Kanya umanong sa­sagutin ang lahat na katanungan, maging ang tungkol sa kontrobersyal na Northrail project.

Inamin din ng dating speaker na una siyang nagdadalawang-isip sa pag-indorso sa impeachment case laban sa Pangulo bunsod ng “de­licadeza” ngunit ang kon­sensiya umano nito ang umiral.

Kaugnay nito, hiniling ng mambabatas ang kanyang mga kasamahan sa Kamara na tratuhin ang asunto batay sa merito at hindi sa party affiliation.

Iginiit pa ni de Venecia na hindi lamang ito laban ng kanyang anak na si Joey kundi laban ng taong bayan.

Isa rin sa sinasabing dahilan kung bakit nag­desisyon si JDV na su­portahan ang impeachment ay matapos ang kanyang pakikipagpulong kina Bro. Eddie Villa­nueva ng JIL, Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz at retired Gen. Fortunato Abat.

vuukle comment

DE VENECIA

EDDIE VILLA

FORTUNATO ABAT

HOUSE SPEAKER

KAMARA

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

MAKATI CITY

PANGASINAN REP

PANGULO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with