Revilla na-'stroke'

Isinugod kahapon ng tanghali sa St. Luke’s Hospital sa Quezon City ang dating aktor at se­nador na si Ramon Re­villa Sr. makaraang ma-‘stroke.’

Habang isinusulat ito, inilipat sa intensive care unit ang matandang Re­villa makaraang ipailalim sa angioplasty procedure, ayon sa isa niyang anak na si Bacoor, Cavite Mayor Edwin Mortel Bautista.

“Okay siya ngayon, sa ICU siya ngayon. Nagre-respond na ho siya kaya medyo critical pa rin ho pero maayos na ang kan­yang alta presyon,” sabi ng alkalde sa isang panayam ng dzRH.

Sa isang hiwalay na panayam. Sinabi ni Se­nador Ramon “Bong” Revilla Jr. na ito ang pangalawang stroke ng kanyang ama.

Kaugnay nito, nana­wagan ang pamilyang Revilla sa publiko na ipagdasal ang dating senador upang agad itong makasalba sa ka­ramdaman.

Unang dinala ang ma­tandang Revilla sa Asian Hospital sa Alabang Muntinlupa bago inilipat sa St. Luke’s.

Nababahala ang pa­milya ni Revilla sa kanyang kalagayan dahil meron na itong edad na 81 taong gulang. Nana­wagan sila sa publiko na ipagdasal ang dating senador.

Sinabi ni Mayor Bau­tista na nagkaroon ng blood clot ang matan­dang Revilla na naging dahilan para ito ma-stroke. 

Nanilbihan ang ma­tan­dang Revilla sa Se­nado sa loob ng 12 taon. Makaraang mata­pos ang kanyang termino sa ma­taas na kapulungan no­ong taong 2004, iti­nalaga siya ni Pangulong Gloria Arroyo bilang taga­pangulo ng Philippine Reclamation Authority. Jose Ascuna Bautista ang pangalan niya sa tunay na buhay, tubong Imus-Cavite at naunang nakilala bilang aktor sa pelikula. (Angie dela Cruz at Malou Escudero)

Show comments