DVD ng RHB ilalabas ng CBCP

Ilalabas ngayon ng Catholic Bishops Confe­ rence of the Philippines (CBCP) ang “educational DVD” na naglalaman ng mga impormasyon hing­gil sa hindi magagan­dang bagay na maidu­du­lot ng controversial na re­pro­ductive health bill.

Ayon kay Father Joel Jason, director ng Manila Archdiocese Ministry for Family and Life, layunin ng DVD na mabigyan ng im­pormasyon ang publi­ko kaugnay sa panganib at mga “immorality of mea­sures” ng panuka­lang Re­productive Health and Po­pulation Deve­lop­ment Bill.

Ipapapanood ang DVD sa mga pa­rokya, eskwe­lahan, mis­sion sta­tions, church orga­nizations at sa mga gru­pong prolife   sa bansa. 

Idinagdag pa ni Jason na tuturuan nila ang publi-ko na huwag sumunod     sa mga anti-life laws dahil labag ito sa moralidad. (Doris Franche)

Show comments