Nanawagan ang ilang concerned consumers sa Department of Trade and Industry (DTI) Bureau of Product Standards (BPS) na mahigpit na i-monitor ang “recall order” sa libu-libong mga Indonesian-made batteries na hindi pumasa sa quality and safey test na isinagawa ng naturang ahensiya kamakailan.
Ayon sa ilang mga motorista, dapat na magpatupad ng auditing system ang DTI-BPS sa pag-recall ng dalawang sizes ng GS Tropical Battery products 46D26L (production codes 2307A25 and 15B7A2S) and 6031DL (production codes 2197A1K and 2307B1K) na bumagsak sa mga test parameters ng PNS 05:1987 na isinagawa nitong nakaraang Marso.
Ito umano ay upang mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga motoristang may-ari ng sasakyan na gumagamit ng naturang Indonesian batteries na napatunayan na may mga depekto. Ang GS Tropical Battery ay karaniwang ginagamit sa kotse, jeep at ibang light commercial vehicles dito sa bansa. (Danilo Garcia)