Birth at death certificates libre sa Valenzuela

Hindi na kaila­ngan pang gumastos ng mga residente ng Valen­zuela City para sa pagpapa­re­histro ng araw ng kapa­nganakan at kamatayan ng kanilang mga kaanak. 

Ayon kay Liga ng mga Barangay President, Coun­­cilor Alvin Feliciano, sa pa­­ mamagitan ng pag­pasa ng ilang probisyon sa ordi­nance no. 15 series of 2005 na unang naapru­bahan  ng Sangguniang Pang­­lun­sod ay magiging libre na ang mga ito.

Bago ang pag-amyen­da sa ilang probisyon ng naturang ordinansa ay kinakailangang magba-yad ng mga residente ng halagang P50 sa kanilang mga barangay para la­mang maipatala sa local civil registrar ang araw ng kapanganakan at kama­tayan ng kanilang mga kaanak. 

Dahil marami sa mga residente ang nahihi­ra­pang makapagbayad ng nabanggit na halaga ay ipinasya ni Feli­ciano na baguhin ang ilang probis­yon sa ordi­nansa.

Sinabi pa ni Feliciano, dahil sa pagpasa sa ilang probisyon ay tanging ang babayaran na lamang ng mga residente ng lung-sod ay ang pagkuha ng ba­ rangay clearance ka-pag magpapakasal ang mga ito. (Lordeth Bonilla)

Show comments