Defensor nagbitiw na TF chief ng NAIA 3

Nagbitiw kahapon bi­lang task force head ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 si dating Presidential Chief of Staff Mike Defensor. 

Ayon kay Press Secretary Jesus Dureza, nag­bitiw si Defensor dahil nagawa na naman nito ang kanyang trabaho ngayong operational na ang nasabing terminal. 

Tinanggap na ni Pa­ngu­long Arroyo ang resignation ni Defensor. 

Si Defensor na isang senatorial candidate ng Team Unity noong 2007 elections ay isa sa mga nabigyan ng posisyon ni Pangulong Arroyo mata­pos ang 1-year ban sa mga natalong kandidato upang mabigyan ng pu­westo sa gobyerno. (Rudy Andal)

Show comments