Mabigat na parusa sa pag-video sa pasyente

Isang panukalang batas ang inihain ni Camarines Norte Rep. Liwayway Vinzons Chato na magpapataw ng mabigat na parusa sa sinumang medical personnel na kukuha ng larawan sa ginagawang medical procedure sa mga pasyente sa loob ng klinika o ospital at ipapasa ang nasabing videos sa internet.

Sinabi ni Chato, ang House Bill 3828 ay magpapataw ng maximum penalty ng 6-12 taon pagkakakulong at P3 million multa sa kukuha ng video sa pasyente.

Ayon kay Chato, ang nangyari sa ‘rectal scandal’ sa Cebu ay isang maliwanag na paglabag sa karapatan pantao. Kasama rin sa parusa ang kompanyang nagbenta at bumili ng database ng mga pangalan at personal data na hindi naman binigyan ng consent ng pasyenteng kinunan. (Butch Quejada)

Show comments