P125 umento sa sahod binuhay

Binuhay kahapon ng maka-Kaliwang grupong Kilusang Mayo Uno ang kanilang pakikipaglaban at kampanya para igiit ang P125 across-the-board increase sa arawang su­wel­ do ng mga mangga­gawa.

Ayon kay Wilson Baldo­naza, KMU Secretary-General, napapanahon na para muling itaas ang suweldo ng mga manggagawa sa ha­rap ng nagaganap na krisis sa bigas at pagtaas sa halos lahat na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Hindi lamang iyong tumatanggap ng minimum wage ang dapat umen­tuhan kundi maging iyong mga empleyado na ang suweldo ay mas malaki sa minimum wage. 

Bilang pagbuhay sa kanilang kampanya para sa P125 across-the-board increase ay nagsabit ang KMU ng P125 flaglets sa major island ng Philippine Relief Map na nasa Luneta Park bilang simbolo ng kanilang kahilingan para sa nationwide salary increase.

Importante umano na ang P125 umento ay pi­nag­tibay ng Kongreso at hindi inaprubahan lamang ng Regional Wage Board.

Base sa sariling pag-aaral na ginawa ng KMU, para makapamuhay ng disente ang isang pamil­yang residente ng Maynila, kinakailangan na may kita kang P806 kada araw na napakalayo sa arawang suweldo ng ordinaryong manggagawa sa Metro Manila na naglalaro la­mang sa P325 hanggang P362 kada araw. (Doris Franche)

Show comments