Tinapay taas-presyo rin

Muling nagbanta ang grupo ng mga panadero sa bansa sa nakaambang panibagong taas-presyo ng pandesal at iba pang tinapay dahil na rin umano sa panibagong pagtaas ng presyo at krisis ng arina na pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay.

Ayon sa Filipino-Chinese Bakers Association, inaasahang aabot pa sa presyong P1,000 kada sako ang arina sa mga susunod na linggo.

Mula sa dating P580 noong nakaraang taon ay nasa P970 kada-sako na ito sa kasalukuyan.

Ayon pa sa grupo na anumang araw mula nga­ yon ay itataas na nila ang presyo ng sliced bread ng P3-P4 kada-supot nito, habang ang pandesal ay P1 o higit pa dito kada piraso.

Napag-alaman na hin­di lamang ang presyo ng pandesal ang maapek­tuhan sa patuloy na pag­mahal ng arina kundi pati na rin ang timbang at laki nito.

Mas liliitan na rin umano ng mga panadero ang pandesal at babaan na rin ang timbang ng kada-piraso nito kung saan ang pugon-pandesal na dati ay kasinlaki ng kamao ng isang grade-1 pupil ay tatapyasan na ito ng laki at timbang.

Isinisi naman ng mga panadero ang patuloy na pagtaas ng presyo ng arina sa pagkakaroon ng kakula­ngan ng suplay nito mula sa Amerika, Canada at Australia na tinaguriang flour maker at supplier ng mun­do. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments