^

Bansa

Semi-kalbo hairdo sa babaeng kadete sa PMA, ‘out’ na!

-

“Out” na ang semi-kalbong gupit na ala-Demi Moore sa mga babaeng kadete ng Philippine Military Academy (PMA).

Sinabi ni PMA Chief Superintendent Major Gen. Leopoldo Maligalig na ang Demi Moore cut ay pang-tomboy kaya pahi­hintulutan na nilang mag­pahaba ng buhok ang mga babaeng kadete.

“Kaya nga babae. They are supposed to look like women. Our only request is that they groom their hair well,” paliwanag pa ni Maligalig.

Ayon kay Maligalig, may sariling mga hairdresser ang mga baba­eng kadete at hindi por­ke’t nag-aaral ang mga ito sa institusyon ng militar ay dapat ng sikilin ang kanilang mga kara­patan na kumilos bilang isang tunay na babae.

Sa tala noong 2002 ay pinahintulutan ng aka­demya ang mga babaeng kadete na dumalo sa ballroom dancing at mag-asiste sa mga bisita  na bahagi ng pagsasanay sa mga ito.

Mahigit isang dekada rin nauso ang semi-kalbo hairdo sa mga babaeng kadete. Magugunita na noong 1994 ay nagsimula ang PMA na tumanggap ng mga estudyanteng babae. 

Sa kabuuang 220 mag­­­sisipagtapos sa Bag­­hawi Class sa Marso 18 ay 23 rito ang babae. (Joy Cantos)

vuukle comment

CHIEF SUPERINTENDENT MAJOR GEN

DEMI MOORE

JOY CANTOS

LEOPOLDO MALIGALIG

MALIGALIG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with