Pulis sinibak  sa sex video

Tinanggal  sa serbisyo ang isang pulis matapos ku­malat ang kontrober­syal nitong sex video sa  Da­vao City noong naka­raang taon.

Sa report ng Philippine National Police-Internal Affairs Service, tinang­gal sa tungkulin si Chief Inspector Roland Vilela ng Davao City Police Office dahil sa kasong grave misconduct na inihain laban sa kanya kaugnay ng  sex video na naglagay sa police command sa malaking iskandalo.

Si Vilela, dating hepe ng Police  Anti-Vice Unit, ay nahaharap din sa ka­song robbery,  phy­ sical in­juries at bi­gamy na isi­nampa ng kanyang asa­wa na isa ring pulis.

Nabatid na kumalat sa Davao ang sex video na nagpapakita kay Viela at sa kanyang kalaguyo habang nagtatalik sila.  (Joy Cantos)

Show comments