^

Bansa

CBCP kay GMA: EO 464, alisin!

-

Pinababawi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kay Pangulong Arroyo ang pagpapatupad ng EO 464 at payagan ang kanyang mga opisyal na humarap sa pagdinig ng mga mambabatas hinggil sa usapin ng  corruption sa bansa.

Batay sa six-point pastoral statement na inilabas ng CBCP, kinokondena nito  ang umano”y patuloy na kati­ walian at corruption sa pamahalaan.

“(We) urge the president and all branches of government to take the lead in combating corruption wherever it is found,” anang CBCP sa kanilang pastoral state­ment na binasa ni Bishop Leonardo Legaspi.

Ayon sa CBCP ang abolisyon ng EO 464  ay pagbibigay ng pagkakataon sa mga taong may nalalaman sa korupsiyon na humarap sa anumang uri ng imbestigasyon kabilang na ang kontrobersiyal na $329.48-million ZTE NBN deal ng walang sinumang pumipigil.

Umapela din ang CBCP sa mga mambabatas at Ombudsman na maging maingat at maayos sa kanilang mga pagtatanong at huwag haluan ng anumang uri ng publicity at para lamang sa kanilang mga personal na interes. (Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BATAY

BISHOP LEONARDO LEGASPI

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DORIS FRANCHE

PANGULONG ARROYO

PINABABAWI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with