Ombudsman atras sa NBN probe

Inatrasan ni Ombudsman Merceditas Gutierrez ang imbestigasyon sa kontrobersyal na national broadband  network project.

“Pinasasalamatan ko yaong mga nanini­walang dapat bigyan ako ng pagkakataon at yaong iba ang paniniwala. Nauunawaan ko.  Umaatras na ako,” sabi ni Guetierrez.

Ang tanggapan ng Ombudsman ay nagsa­sagawa sa kasalukuyan ng pagbusisi sa ibat ibang reklamong may kinalaman sa NBN-ZTE deal controversy.

Sinabi ni Gutierrez na may ilan sa kaso hinggil dito ay naisumite na para magpalabas ng resolusyon habang ang iba naman ay patuloy pa ring iniim­bes­tigahan ng kanyang  mga tauhan.

Ayon kay Gutierrez, nagdesisyon siyang busisiin ang naturang usapin nang magkaroon ng bagong rebelasyon si Rodolfo Noel “Jun” Lozada Jr. hinggil sa NBN contract ng pama­halaan at ng ZTE Corp. ng China. (Angie dela Cruz)

Show comments