Kaso laban sa human trafficker isinampa

Sinampahan ng National Bureau of Investigation ng kasong pag­labag sa human trafficking law ang isang lala­king nagbebenta ng mga menor-de-edad bilang prostitutes.

Kasong paglabag sa Anti Trafficking in Persons Act of 2003 ang isi­nampa ng NBI laban kay Francis Gar­cia ng Unit 3206 City­land Tower 1, Vito Cruz, Ma­late, Manila.

Nadakip si Garcia sa isang entrapment operation ng NBI noong naka­raang linggo.

Dinakip si Garcia ba­tay na rin sa reklamo ni Jose V. Lazaro ma­tapos na mawala ang kanyang alagang na­kilala lamang sa panga­lang Lovely, 16.

Nakilala umano ng suspek si Lovely noong nakaraang taon  at pi­na­ngakuan itong ga­gawing isang modelo dahil ang una umano ay isang agency director .

Ngunit kalaunan ay nadiskubre ni Lovely na hindi pala director si Garcia  at wala itong mo­deling agency bag­kus ito ay isang human trafficker at nagbebenta ng mga menor-de-edad na ka­ba­baihan upang gawing sex workers.

Ayon kay Lovely,  siya ay binabayaran ni Garcia ng halagang P8,000 kada customer ngunit ka­launan ay tu­makas na din ito sa po­der nito matapos na mabuntis at magka­roon ng sakit na STD.

Bukod kay Lovely, ibinenta rin ni Garcia ang isa pang menor-de-edad na nakilala lamang sa pangalang Honelyn. (Grace dela Cruz)

Show comments