2008 budget lusot sa bicameral body

Pumasa na sa bicameral conference committee ang P1.226.7 trilyong national budget para ngayong taong 2008.

Ayon kay Senate President Manny Villar, siguradong  mararatipikahan ang pambansang badyet kasunod ng pagtiyak ng bicameral conference committee na mapagkakasundo ang bersyon ng Senado at Kamara.

“Samantalang inaasahan natin ang ratipi­kasyon ng bicameral report, nais nating matiyak na magiging mahusay ang paggastos ng gobyerno para matugunan ang mga panganga­ilangan ng bansa at ng taumbayan,” ani Villar.

Pinagtibay ng Senado noong Disyembre ng nakaraang taon ang panukalang budget matapos ang tatlong linggong mabilisang deliberasyon. (Malou Escudero)

Show comments