Sentensya ni Ranario babawasan ng Emir

 Babawasan ng Emir ng Kuwait ang sentensya ng Pinay domestic helper na si Marilou Ranario na nakapatay ng kaniyang employer noong Enero 10, 2005 hanggang sa ito’y tuluyang mapalaya.

Ayon kay Foreign Affairs Sec­re­tary Alberto Ro­mulo, tiniyak ni Kuwait Emir Sheik Jaber Al-Ahmad Al-Sabah na babawasan ang senten­sya ni Ranario sa tuwing magdiriwang ng kanil­ang National Day ang Kuwait sa Pebrero 25 ng bawat taon.

Nakagawian na sa Kuwait na tuwing magdidi­wang sila ng kanilang National Day ay binabawasan ng Emir ang sentensya ng ilang bilanggo na pinag-ka­kalooban ng commutation sa nagawang krimen.  (Joy Cantos)

Show comments