Pinarangalan kahapon ng Huwarang Pilipino Foundation ang Editor-in-Chief ng PSN na si Al G. Pedroche bilang isa sa mga Grand Achievement Awardees sa larangan ng media.
Ayon kina Prof. Gene Panganiban at Dr. Rodrigo, Chairperson at Presidente ng Foundation, ang Huwarang Pilipino Award ay iginagawad taun-taon sa mga taong may namumukod-tanging kontribusyon sa lipunan sa prospesyong kanilang ginagampanan.
Kabilang din sa mga pinarangalan sina Justice Artemio Tuquero (Law & Judiciary), Rep. Augusto Syjuco (Edukasyon), Ms. Cecille Guidote Alvarez (Arts & Culture), Manny Pacquiao (Sports) at marami pang iba.
Panauhing pandangal sa okasyong ginanap sa Occupational and Health Center sa Quezon City sina Mayor Sonny Belmonte, DENR Sec. Lito Atienza at former Bulacan Gov. Roberto Pagdanganan.