^

Bansa

1 araw pa kay Erap, ok sa Sandiganbayan

-

Pinayagan  ng Sandiganbayan Special Division si dating Pangulong Joseph Estrada na ma-extend ng isa pang araw ang pamamalagi sa kanyang may sakit na ina sa pagamutan sa San Juan.

Ito ay makaraan naman dumalo si Estrada kahapon ng alas- 9 ng umaga sa oral arguments na ginagawa sa Sandi­ganbayan kaugnay ng kanyang apela na mabaliktad ang kanyang 40 taong jail sentence dahil sa kasong plunder

Wala namang naramdamang paghi­hig­pit ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA at Commonwealth Avenue kung saan dumaan ang convoy ni Estrada papuntang anti-graft court. 

Bago ang pagdating ni Estrada sa San­diganbayan, inihayag ng abogado nitong si Atty. Jose Flaminiano na ang panig ng depensa ay kumpiyansang mapapatuna­yan nilang si Erap ay hindi dapat na makulong kaugnay ng kasong plunder.

Kahapon, sa kanyang bahay sa number 1 Polk st. North Greenhills San Juan nanggaling si Estrada papuntang Sandi­ganbayan dahil dito siya natulog kama­kalawa ng gabi, kauna-unahan ngayong taon.(Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

COMMONWEALTH AVENUE

JOSE FLAMINIANO

NORTH GREENHILLS SAN JUAN

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SAN JUAN

SANDI

SANDIGANBAYAN SPECIAL DIVISION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with