P.5-M regalo ni GMA kay Panlilio

Kinumpirma ng da­ ting pari at ngayon ay gobernador ng Pam­panga na si Eddie Pan­lilio na binigyan siya ng P500,000 cash gift ng isang ahente ng Mala­cañang.

Sinabi ni Panlilio sa isang panayam sa radio station dzMM na naka­suot pa ng barong ta­ga­log ang naturang ahente nang lapitan siya habang papunta siya sa kanyang kotse.

Ayon kay Panlilio,  iniabot sa kanya ng lalaki ang isang brown paper bag na nagla­laman ng pera. Sinabi nito na ma­laya siyang gamitin ito sa darating na barangay elections at sa iba pang pro­yekto.   

Sinabi pa ng gober­nador na ginawa niya ang pagbubunyag alang-alang sa kata­patan at transparency.

Nauna rito, ibinun­yag ni Iloilo Vice Governor Rolex Suplico na nami­ gay ng P200,000 hang­gang kalahating milyon ang Malaca­ñang sa may 190 kongresista kapalit ng kanilang suporta para mailigtas si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa impeachment.

Iginiit ni Suplico na isinampa ng pribadong abogadong si Roel Puli­do ang mahinang impeachment complaint para madiskaril ang to­toong impeachment complaint na isa­sampa ng oposisyon laban sa Pangulo. 

Nakatakda namang ipatawag ng Senado ang mga local government officials na sina­sabing nakatanggap ng ‘suhol’ mula sa Ma­lacañang nang dalawin nila ang Pangulong Arroyo ka­makailan.

Ayon kay Sen. Pan­filo Lacson, isang re­solusyon ang ihahain niya ngayon sa Sena­do upang magsagawa ng agarang imbesti­gasyon upang mala­man kung saan galing ang ipina­migay na pera ng Mala­kanyang.

Bagaman sinabi ni Panlilio na ito’y tulong para sa mga barangay sa kanilang lalawigan, mahalagang maipali­wanag din sa taum­bayan kung saan ga­ling ang perang ipi­namud­mod ng Mala­kanyang.

Mariing itinanggi ng League of Provinces of the Philippines na nabig­yan sila ng “cash gift” ng Pa­ngulo ma­tapos silang maki­pag­pu­long dito noong Hu­webes sa Pa­lasyo.

Sinabi ni League Pres­ident at Gov. Leo Ocampos na walang katotohanan ang si­nasabing binigyan sila ng cash gift ni Pa­ngulong Arroyo nang makipagkita sila dito. (Rudy Andal)

Show comments