Pinoy na naging ‘gulay’  sa UAE  iuuwi na

Babalik na sa ban­sa ang isang  Pilipi­nong na-‘comatose’ at nagmistulang gulay ang katawan matapos  ang isang car accident sa Ras Al Khaimah, United Arab Emirates noong nakaraang taon.

Sa ulat na tinang­gap ng Department of Foreign Affairs (DFA), si Eulogio Aquino Jr, 34, tubong Pangasi­nan at nagtapos ng management degree, ay kasalukuyan pang nakaratay sa Saqr Hospital sa Ras Khai­mah mula pa noong Oktubre 3, 2006.

Si Aquino ay ma­lub­hang nasugatan sa aksidente kumpara sa dalawa nitong kasa­mahan. Kinailangan pang gamitan ng ace­tylene ang nagkayu­piyuping  sasakyang kanyang kinalululanan upang makuha ito sa loob ng behikulo.

Ayon sa kapatid nitong si Gay, sam­pung porsiyento la­mang ang naging tsansang ma­buhay  ng biktima nang dalhin ito sa Intensive Care Unit ng Saqr Hospital. (Joy Cantos)

Show comments