Proklamasyon ni Migz nabitin

Muling ipinagpali­ban ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon nga­yong araw ni Team Unity senatorial candidate Migz Zubiri.

Ayon kay Comelec Chairman Benjamin Abalos, nagpasya ang poll body na iurong ang prokla­masyon ni Zubiri ma­tapos silang maka­tang­gap ng notice mula sa Supreme Court na iti­nakda na ang oral arguments sa darating na Biyernes, alas-10 ng umaga, tungkol sa pe­ tisyon ni Genuine Opposition candidate Koko Pimentel na pu­mipigil sa proklamas­yon ni Zubiri.

“Out of judicial courtesy kaya nagdesisyon kami na iatras ang proklamasyon,” ayon pa kay Abalos.  

Inatasan din ng SC ang Comelec na mag­sumite ng kanilang comment bago alas-3 ng hapon bukas kaug­nay sa panibagong mosyon ni Pimentel.

Hiniling Koko sa SC na magpalabas ito ng TRO o status quo order upang mapigilan ang Comelec na mag­prok­la­ma ng ika-12 sena­dor upang ma­bigyan siya ng pag­kakataon na kuwes­tyunin ang Ma­guin­danao votes.

Sinabi pa ni Pimen­tel sa kanyang petis­yon sa High Court na kung sakaling iproklama ng Comelec si Zubiri ay hiniling nitong magpa­labas ang SC ng status quo order. 

Hindi naman nag­palabas ng TRO ang SC, sa halip ay itinakda ang oral argument.

Una rito, umapela ang abo­gado ni Zubiri na si George Garcia sa NBOC para iproklama ang kanyang kliyente, matapos na igiit nito na lamang na si Zubiri ng 18,372 boto laban kay  Pimentel.

Show comments