Chavit suportado ng 2 party-list

Ilang araw bago mag-eleksiyon, dumadagsa na ang natatanggap na suporta mula sa iba’t ibang sektor upang iendorso ang kandidatura ni Ilocos Gov. Luis "Chavit" Singson.

Dalawang partylist na grupo, ang Senior Citizen Partylist at ang Abante Ilonggo, ang nagpahayag na rin ng pagsuporta sa kandidatong senador ng Team Unity na si Singson.

Ang SCP ay nagtataguyod sa kapakanan ng milyon-milyong matatandang Pilipino sa bansa habang ang Abante Ilonggo na kabilang sa 10 nangungunang partylist sa survey ng Social Weather Station ay nakatuon sa kapakinabangan ng mga empleyado ng pamahalaan.

Kaya naman sa mga suportang ito mula sa 2 nangungunang partylist ay makakasiguro na ng panalo bilang senador si Singson sa darating na Mayo 14.

Show comments