Cayetano ayaw ng sugar

Hindi pabor ang Showbizwriters United for Gloria’s Agenda for Reforms (SUGAR) sa kandidatura ni Rep. Alan Peter Cayetano bilang senador dahil ito umano ay isang confirmed N.P.A o non-performing alien.

Sa official statement ng SUGAR sa pamamagitan ng kanilang chairman na si Fundador Soriano, pinuna ng grupo na bukod sa isa itong dayuhan, sa nakaraang Congress ay wala anya kahit isang naisabatas na bill na iniakda o naging co-sponsor man lamang si Cayetano.

"Ang katulad ni Cayetano ay isang showbiz reporter na "gaca" o gate crasher na walang kredibilidad kaya kahit sa mainstream entertainment press ay hindi siya maaaring tanggapin," ani Soriano.

Show comments