6 taon hatol kay Atong Ang

Sinentensyahan kahapon ng Sandiganbayan ng dalawa hanggang anim na taong pagkabilanggo ang negosyanteng si Charlie "Atong" Ang makaraang magpasok siya ng "plead guilty" sa kinakaharap niyang kasong indirect bribery in connection with corruption of a public official.

Ibinaba ng korte ang hatol makaraang umamin si Ang na ibinulsa niya ang P130 milyong excise tax para sa tabako noong panahon ng administrasyon ng kumpadre niyang si dating Pangulong Joseph Estrada.

Inatasan din ng korte si Ang na magbayad ng P25 milyon danyos bago pagbigyan ang kanyang petisyon sa piyansa.

Si Ang ay kapwa akusado ni Estrada sa kasong plunder ng huli. Mapapatawan din siya rito ng parusang habambuhay na pagkabilanggo kapag napatunayang nagkasala. (Rose Tesoro)

Show comments