^

Bansa

Talunang bidder kinasuhan ng Mega Pacific

-
Tinuligsa kahapon ng Mega Pacific ang dalawang humahadlang sa poll automation na may "vested interest" dahil kapwa kasosyo sa isang kompanyang natalo sa bidding. Partikular na tinukoy ng Mega Pacific sina Christian Monsod at Augusto Lagman na kapwa major stockholders ng Sun Microsystems na major supplier ng Total Information Management (TIM), ang kompanyang natalo sa election computerization bidding.

Kaugnay nito, nagsampa ng 2 kasong libelo ang Mega Pacific laban kay Lagman dahil sa diumano’y mapanirang paratang sa naturang kompanya, ayon kay Atty. Estrella Elamparo, abogado ng Mega.

Sa ilang transaksyon pa nga ay mag-partner pa ang Sun Micro at TIM katulad nang sa isang proyektong isinagawa nila para sa Union Bank nang pagtulungan nilang palitan ang mainframe nito.

"Hinahadlangan ng TIM sa pamamagitan nila Monsod at Lagman ang poll automation gamit pa ang pangalan ng Information Technology Foundation of the Philippines para maisakatuparan nila ang sariling business agenda na napatunayang ikalulugi ng gobyerno ng mahigit sa dalawang bilyong piso dahil sa ubod ng mahal," pahayag ni Atty. Estrella Elamparo sa media.

Ipinaliwanag ni Atty. Elamparo na patuloy na nagbabalatkayo ang kritiko nito na si Lagman, na major stockholder at treasurer ng Sun Microsystems Philippines Inc. at isa pang major shareholder at board director na si Christian Monsod samantalang pangunahing supplier naman ng losing bidder na TIM ang Sun Microsystems.

"Patuloy na ikinakaila ni Mr. Lagman na may koneksiyon siya sa TIM, ang losing bidder sa poll automation. Pero, base sa dokumentong nakalap natin, lumilitaw na pangunahing supplier ng TIM ang Sun Microsystems Phils. Inc, na pag-aari mismo ni Lagman," pahayag pa ng abugado. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AUGUSTO LAGMAN

CHRISTIAN MONSOD

EDWIN BALASA

ESTRELLA ELAMPARO

INFORMATION TECHNOLOGY FOUNDATION OF THE PHILIPPINES

LAGMAN

MEGA PACIFIC

MR. LAGMAN

SUN MICRO

SUN MICROSYSTEMS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with