Fingerprints ng 10 PDEA employees positibo sa ninakaw na shabu

Sampung fingerprints na natagpuan sa evidence stock room ng Philippine Drug Enforcement Agency ang nag-match sa ilan nitong iniimbestigahang tauhan kaugnay ng naganap na nakawan ng P21 milyong halaga ng shabu sa PDEA office kamakailan.

Ayon kay PDEA spokes- man Sr. Supt. Francisco Gabriel, dalawa rin sa tauhan ng kanilang tanggapan ang bumagsak sa polygraph at lie detector tests.

Unang ipinag-utos ni PDEA executive director ret. Gen. Dionisio Santiago ang pagsailalim sa fingerprint at lie tests ng 18 personnel ng PDEA na may direktang access sa evidence room at isinunod ang iba pa.

Gayunman, tumanggi muna si Gabriel na tukuyin kung sino ang mga nag-positibo.

May 80 PDEA personnel kabilang ang mga security guard at laboratory staff ang pinagsumite ng sample fingerprints matapos manakaw sa evidence room ang pitong kilo ng shabu. (Joy Cantos)

Show comments