Ilang human rights advocates, ‘pro-rebels’?

Tinuligsa ng isang grupo ang ilang sumusuporta sa karapatang pantao dahil sa pagpanig ng mga ito sa mga rebeldeng komunista sa kanila ng pagiging terorista ng mga ito. Ayon kay Fr. Romeo Intengan ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP), dapat ding irespeto ng mga rebelde ang karapatang pantao at hindi lamang ang sundalo at pulis ang dapat na may responsibilidad dito. Base sa obserbasyon ni Intengan, maraming human rights advocates ang hindi patas sa kanilang imbestigasyon sa mga paglabag sa karapatang pantao kaya marami sa mga "fact-finding missions" ay hindi na kapani-paniwala. Ang nasabing pahayag ay dahil sa mga naglalabasang balita na ang military at pulis umano ang responsable sa mga "human rights violations" at pagpatay ng mga militante sa bansa. Ani Intengan, ang mga ganitong akusasyon ang nagtutulak sa mga puwersa ng gobyerno na magsagawa ng mga "anti-insurgency measures" na sinasabi ng ilan na paglabag sa karapatang pantao.

Show comments