^

Bansa

Hukom na may kaibigang ‘dwende’tuluyan nang sinibak ng SC

-
Tuluyan nang sinibak ng Korte Suprema ang isang hukom matapos mapatunayang nakikipag-ugnayan sa mga kaibigang ‘dwende’ at nagsasagawa ng ritwal bago magsimula ang pagdinig sa kanyang sala.

Batay sa 6-pahinang resolusyon ng Supreme Court en banc, pinal na ang desisyon ng Mataas na Hukuman na alisin bilang hukom si Malabon Regional Trial Court Judge Florentino V. Floro at hindi na maari pang mabaligtad matapos hindi makakita ng sapat na batayan sa mga inihaing argumento.

Ibinasura rin ng SC ang inihaing partial motions for reconsideration at supplements, na pawang wala umanong merito. Hindi na rin tatanggap ang mataas na hukuman ng anumang pleadings mula kay Floro kaugnay sa kaso.

Sa rekord, Hunyo 30, 2006 nang maghain pa ng Verified Third Supplement si Judge Floro, na humihiling na siya’y maibalik sa serbisyo at makakuha ng back wages at iba pang benepisyo.

Nilinaw ng SC na kahit may paniniwala sa mga dwende ang nasabing hukom, napatunayan din sa isinagawang pagsusuri at rekomendasyon ng mga psychiatrist na may diperensiya ito o ‘mental unfitness’ sa pagiging hukom. (Grace Amargo-dela Cruz)

vuukle comment

BATAY

CRUZ

FLORO

GRACE AMARGO

HUKUMAN

JUDGE FLORO

KORTE SUPREMA

MALABON REGIONAL TRIAL COURT JUDGE FLORENTINO V

SUPREME COURT

VERIFIED THIRD SUPPLEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with