Vicky Toh nilinis ng Customs

Nilinis ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawa nitong 7-buwang imbestigasyon si Vicky Toh at kapatid nito na walang kinasasangkutang smuggling activities.

Sinabi ni Atty. James Enriquez, chief of staff ni Customs Comm. Napoleon Morales, walang record at walang ebidensiyang nagsasangkot kay Ms. Toh at kapatid nitong si Tomas sa smuggling activities gaya ng akusasyon sa mga pahayagan.

Inirekomenda din ng investigating panel na bigyan ng clearance ang mga Toh kahit ang mga ito ay incorporators ng isang BOC-accredited company.

Natuklasan din ng inter-committee investigating panel na hindi operator o miyembro ng anumang Custom Bonded Warehouse ang mga Toh.

Show comments