Kasuhan ninyo ako — Señeres

Hinamon kahapon ni dating Ambassador Roy Señeres ang gobyerno na sampahan siya ng kaso kaugnay sa sinasabing partisipasyon nito sa nabigong kudeta noong Pebrero 24.

Sinabi ni Señeres, haharapin niya ang anumang kaso na isasampa sa kanya ng gobyerno makaraang masangkot sa kontrobersyal na video footage ni B/Gen. Danilo Lim.

Ginawa ni Señeres ang paghahamon matapos itong lumutang sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon ng umaga.

Naniniwala ang dating embahador na wala siyang nagagawang kasalanan sa batas dahil hindi naman krimen ang withdrawal of support sa nakaupong Pangulo katulad ng ginawa umano ni Gen. Lim sa video footage.

Nanagawan naman si Señeres sa militar at pulisya na huwag gagawin ang mali tulad ng pagsasagawa ng kudeta dahil krimen ito pero ang pag-atras ng suporta sa Pangulo ay hindi maituturing na krimen. (Grace dela Cruz)

Show comments