Sa 13-pahinang resolusyon ni Manila Judge AIda Layug ng Regional Trial Court branch 46, iniutos din nito ang status quo kung saan ang dating opisyal ng NPC sa pamumuno ng pangulo nitong si Antonio Antonio ang pansamantalang mangasiwa sa NPC habang walang bagong halal na opisyal.
Kinilala din ng korte ang binuong election committee ni Mr. Antonio sa pamumuno nina Mr. Jose Pavia at Gil Santos na nangasiwa ng halalan ng NPC noong Mayo 7.
Bumuo naman ang korte ng election committee sa pamumuno ni Atty. Clemente Clemente, clerk of court ng RTC branch 46, kasama ang kinatawan ng naglalabang partido na Freedom party at Reform party.
Dapat isagawa ang eleksyon muli ng NPC sa susunod na linggo batay sa kautusan ng korte. (Gemma Garcia)