Sa idinaos na ika-27 National Conference of Employers sa Manila Hotel na dinaluhan ng Pangulo, sinabi ni ECOP president Rene Soriano na hindi pa napapanahon na magtaas ng suweldo ng mga manggagawa. Isa anyang kumplikadong isyu ang wage increase dahil ang hakbang na ito ay may masamang epekto sa presyo ng pangunahing bilihin.
Kung ang dahilan anya ng paghingi ng umento ay dahil sa pagtaas ng presyo ng langis, hindi naman ito nagkaroon ng epekto sa halaga ng bilihin.
Sinabi pa ni Sarmiento na sasali sila sa pulong ng regional wage board pero ipaglalaban nila na huwag munang magtaas sa sahod.
"We think its not timely, it will be inflationary. And I think it will result in further uncompetitiveness of Filipino products in the domestic and world market. And we think it is not good for the country as whole," ani Sarmiento. (Lilia Tolentino)