^

Bansa

Reward money vs terorista

- Ni Malou Rongalerios -
Bilang dagdag na ngipin sa pakikidigma ng pamahalaan sa terorismo, maglalaan ng halaga ang Kongreso sa panukalang 2006 budget bilang pabuya sa mga taong makapagtuturo (tipsters) ng mga terorista.

Sa presentasyon na isinagawa ng Department of National Defense sa ginawang pagdinig ng House committee on appropriations para sa 2006 budget ng ahensiya, mayroong 33 miyembro ang Jemaah Islamiyah (JI) na nag-o-operate sa Pilipinas simula pa noong 2004.

Ang 33 JI members ay kabilang sa grupong "Wakaiah Hedeibiah" at pawang mga Indonesians na pinamumunuan ng isang "Mantiqui 3".

Ayon pa sa DND report, mayroong 27 iba’t ibang klaseng armas ang 33 JI members.

Bagaman hindi isiniwalat kung magkano ang ibibigay na reward sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga terorista, sinabi ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, chairman ng komite, na malaki ang magagawa ng mga mamamayan para mapigilan ang paghahasik ng karahasan ng nasabing grupo. Makakatulong din ang reward para mahikayat ang mga sibilyan na makipagtulungan sa militar sa paghuli sa JI members.

Namonitor ng AFP ang ‘entry routes’ ng mga JI at naaresto na rin ang ilan sa mga ito kabilang sina Sammy Abdulgani alias "Harrison" at isang Abdulla Jordan.

Matatandaan na nagpalabas ang US ng $11 milyong reward laban kina Dulmatin at Umar Patek upang mapadali ang pagdakip sa dalawang naturang Bali bombers.

vuukle comment

ABDULLA JORDAN

AYON

CAMARINES SUR REP

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

JEMAAH ISLAMIYAH

ROLANDO ANDAYA

SAMMY ABDULGANI

UMAR PATEK

WAKAIAH HEDEIBIAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with