Bagaman at hindi tinukoy kung ilang empleyado ang maaapektuhan sa nakaraang mergers o pagsasanib ng mga bangko nitong mga nakaraang linggo, sinabi ni Gullas na noong 1999 to 2000, umabot sa 10,000 bank employess ang nawalan ng trabaho dahil sa M&AS.
Noong Hulyo, binili ng Bank of the Philippine Islands (BPI) sa halagang P6.13 bilyon ang 100 porsiyentong assets ng Prudential Bank.
Nito lamang Agosto, nakuha naman ni Henry Sy sa halagang P10.2 bilyon ang 24.75 porsiyentong share ng pamilya Go sa Equitable PCIBank Inc.
Sinabi pa ni Gullas na inaasahang maglalabas muli si Sy ng P11 bilyon upang bumili ulit ng share sa Equitable, kabilang na ang pag-aari ng Social Security System.
Mas marami pa rin aniyang bangko ang magsasanib dahil sa ibat ibang kadahilanan na siguradong makakaapekto sa mga empleyado.
Dapat aniyang tingnan ng gobyerno kung paano matutulungan ang mga maaapektuhang empleyado na siguradong magpapataas sa unemployment rate ng bansa.
Umaabot sa 150,000 ang kabuuang bilang ng mga empleyado sa banking industry. (Malou Rongalerios)