^

Bansa

Loren binira ni Noli sa ERs

-
Lalo pang tumitindi ang bangayang Noli-Loren makaraang hamunin ng kampo ni Vice Pres. Noli De Castro si dating Senadora Loren Legarda na magsampa na lang ito ng kaso kaugnay sa akusasyon nito na isang pagnanakaw ang ginawa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng kumpiskahin ang mga umano’y election returns (ERs) na hawak ng dating NBI handwriting expert na si Segundo Tabayoyong.

Ayon kay Atty. Romeo Macalintal, kung nais ni Legarda na maibalik sa kanya ang mga election documents na nasamsam sa tahanan ni Tabayoyong ay dapat na lamang itong maghain ng reklamo sa PNP-CIDG.

Ikinatuwiran ng kampo ni Legarda na maituturing na isa umanong pagnanakaw ang ginawang pagkuha ng mga election returns ng ISAFP sa bahay ni Tabayoyong.

Si Legarda ay nagtungo kahapon sa Supreme Court para dumalo sa ikalawang preliminary conference kaugnay sa electoral protest ni de Castro.

Sinabi nito na isang malinaw na paglabag sa karapatan ng demokrasya ang ginawa ng ISAFP dahil sa basta na lamang nitong pagkuha ng walang paalam sa mga ER na pinag-aralan na ni Tabayoyong ng may isang taon. (Ulat ni Grace dela Cruz)

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

LEGARDA

NOLI DE CASTRO

ROMEO MACALINTAL

SEGUNDO TABAYOYONG

SENADORA LOREN LEGARDA

SI LEGARDA

SUPREME COURT

TABAYOYONG

VICE PRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with