Jueteng di pa rin tapos sa Senado

Nagtakda ng miting bukas si Sen. Manny Villar upang talakayin kung nararapat na bang tapusin o dinggin pa ang iba pang testigo ng oposisyon kaugnay ng jueteng. Ito ay kasunod ng mainitang debate nina Sen.Aquilino Pimentel Jr. at Sen. Lito Lapid kung saan kinuwestiyun ng una ang kawalan ng pulong ng komite.Iginiit ni Lapid na dapat sumailalim muna sa preliminary screening ang mga testigo dahil baka wala naman itong kinalaman sa jueteng gaya ng pahayag nina Michaelangelo Zuce at Capt. Marlon Mendoza na tungkol sa eleksiyon ang mga testimonya. Siniguro ni Pimentel na ang ihaharap na testigo ay magpapatunay na mayroong ginamit na juteng money sa nakaraang halalan. (RAndal)

Show comments