Abalos, Borra at Javier pinapa-impeach din

Sinampahan na rin ng impeachment complaint ni Atty. Elly Pamatong sina Comelec Chairman Benjamin Abalos, Sr. at Commissioners Resurrecion Borra at Rufino Javier.

Kasama ni Pamatong na nagsampa ng reklamo si dating Ilocos Sur Gov. Antonio Villanueva na kabilang sa na-disqualify na kandidato noong presidential elections.

Nagkasala umano sina Abalos, Borra at Javier at iba pang commissioner ng Comelec ng culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust.

Wala anilang karapatan sina Abalos at iba pang commissioner na isama sila sa 77 sinasabing nuisance candidates.

Matatandaan na una nang sinampahan ng impeachment complaint ni Pamatong si VP Noli de Castro noong nakaraang linggo. (Ulat ni Malou Rongalerios)

Show comments