Death benefits sa bgy. officials ibinigay ni Recom

Ipinagkaloob na ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri sa pamilya ng mga namayapang kapitan at kagawad ng barangay ang inilaang benepisyo para sa kanila mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Government Service Insurance System (GSIS).

Sinabi ni Echiverri na ang halaga ay mula sa welfare benefit program sa ilalim ng Executive Order 115 na nagkakaloob ng death benefit para sa mga opisyal ng barangay na namatay habang nagsisilbi.

Sa ilalim ng EO 135, ang pamilya ng mga yumaong punong barangay ay pagkakalooban ng P22,000 habang P12,000 naman ang ibibigay sa pamilya ng barangay kagawad, barangay secretary, barangay treasurer at Sangguniang Kabataan chairman.

Idinagdag nito na batid niya ang kahalagahan ng pagsisilbi ng mga miyembro ng opisyal ng barangay sa kanilang nasasakupan kaya nararapat lang na maipagkaloob sa kanilang pamilya ang benepisyong inilaan ng pamahalaan para sa kanila. (Rose Tamayo)

Show comments