Garcia patatalsikin sa PMAAA

Nakahanda ang Philippine Military Academy Alumni Association (PMAAA) na sibakin bilang miyembro ng kanilang asosasyon si ex-AFP comptroller Gen. Carlos Garcia kung mapapatunayang lumabag ito sa code of ethics. Ayon kay dating Customs chief Salvador Mison, pinuno ng PMAAA, ang kanilang grupo ay may sariling ethics committee na maaaring mag-imbestiga sa mga graduates ng PMA na nasasangkot sa mga maanomalyang transaksiyon sa gobyerno.

Hindi aniya limitado ang kanilang imbestigasyon sa kontrobersiya sa jueteng kundi pati sa kinakasangkutang korapsiyon ng kanilang miyembro.Ang pinakamabigat na parusang maaaring igawad sa isang miyembro ay "expulsion’ o pagkasibak sa samahan.Kung nasisibak ang isang miyembro, nawawala din ang pagkilala dito bilang graduate ng PMA. (Ulat ni Malou Rongalerios)

Show comments