Ayon sa grupong Union Against Graft and Corruption in the Transport Sector (UAGCTS), isang nagngangalang "Vani" na nagpapakilalang mula sa tanggapan ni Bautista ang nagsisilbi umanong bagman nito at kumukolekta mula sa mga kumpanya ng bus at taxi na nagnanais na makakuha ng franchise.
Talamak umano ang bentahan ng franchise sa LTFRB sa mga kolorum na bus at taxi mula sa halagang P400,000-P500,000 kada sasakyan.
Inakusahan din ang tanggapan ni Bautista na tumatanggap ng malaking halaga mula sa Philippine Accident Management Inc., isang insurance company na siyang sapilitang pinagpaparehistruhan ng mga nagmamay-ari ng sasakyan. Pinakakalkal din ang umanoy pagbili ng isang luxury car na Jaguar ni Bautista na ipinangalan umano sa kanyang kapatid na si Paul. (Ulat ni Ellen Fernando)