Gagamit ng pangalan ni Mike arestuhin - GMA

Ipinaaaresto ng Malacañang ang lahat ng taong gumagamit sa pangalan ni First Gentleman Mike Arroyo o sino man sa miyembro ng First Family para makahingi ng pabor sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno.

Ang direktibang ito ay nakapaloob sa isang memorandum order na pinalabas ni Executive Secretary Alberto Romulo sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan para ilista ang mga pangalan ng mga taong nagpapanggap na kaibigan o kamag-anak ng First Family para makakuha ng kontrata at iba pang pakikipag-transaksyon sa pamahalaan.

Sa kanyang memo, ang lahat na ahensiya ng pamahalaan ay kailangang magsumite ng mga pangalan ng mga nagpapanggap na may koneksiyon sa First Family hanggang Nobyembre 15. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments