Sa kanilang ultimatum na ipinahatid sa e-mail sa dalawang opisyal, tinukoy ng mga abogado ang may sampung kompanya ng transportasyon na anilay pangunahing lumalabag sa Clean Air Act.
Kabuuang 1,200 smoke belching na behikulo ang kumpirmado ng Bantay Kalikasan sa isinasagawang nitong Text-Usok campaign.
Binatikos ng IBP lawyers ang mga naturang opisyal na anilay "pabaya sa tungkulin" dahil hindi inaaksyunan ang mga kompanyang inirereklamo sa kabila ng perwisyong dulot sa taumbayan.
Sa ilalim ng Clean Air Act, posibleng sibakin sa tungkulin ang mga opisyal na mapapatunayang pabaya at ipagharap ng kaukulang demanda.
Apat na koponan na tinaguriang "Strike Forces" mula sa ibat ibang sektor ang itinatag upang isakatuparan ang lahat ng aspeto ng krusadang ito.
Ang Team A, ang magdadala kay Mendoza at Lastimoso ng formal notice to sue.
Ang Team B naman ang kukuha sa Securities and Exchange Commission (SEC) ng mga pangalan ng mga may-ari ng kompanyang lumalabag sa anti-smoke belching laws at Clean Air Act.
Ang Team C ang siyang magsasampa ng kaukulang administrative charges sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) upang matanggalan ng prangkisa ang mga violators.
Habang ang Team D na kinabibilangan ng mga defense lawyers ang siyang magtatanggol sa mga mamamayan o opisyal na nagiging biktima ng harassments suits dahil sa kanilang mahigpit na pagpapatupad sa naturang batas.