^

Bansa

Malacañang kumpiyansa na ipapasa ng Kongreso ang P804-B budget

-
Malaki ang tiwala ng Malacañang na ipapasa ng Kongreso ang panukalang P804 bilyong pambansang budget para sa 2003 sa kabila ng mga banta na uupuan ito ng mga mambabatas dahil sa paglobo ng deficit sa halagang P142.1 bilyon.

Namiligro ang pagpasa ng pambansang budget kasunod ng pahayag ng Department of Budget and Management na kapos sa pondo ang gobyerno kung kaya’t maaantala ang pagpapalabas ng congresssional pork barrel at hindi rin awtomatikong maipagkakaloob ang Internal Revenue Allotment para sa pamahalaang lokal.

Ang orihinal na budget na binalangkas ng pamahalaan para sa 2003 ay umaabot lamang sa P800.7 bilyon subalit nagdagdag ang Malacañang ng P3.3 bilyon para sa kabuuang P804 bilyon.

Ang dahilan sa pagdagragdag ng budget ay para mapanumbalik ang katatagan ng pangmatagalang panahon ng kabuhayan ng bansa at mapanumbalik ang tiwala ng mga imbestor.

Ang panukalang pambansang budget ay isusumite ng Malacañang sa Mababang Kapulungan sa Miyerkoles. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

BUDGET

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

INTERNAL REVENUE ALLOTMENT

KONGRESO

LILIA TOLENTINO

MABABANG KAPULUNGAN

MALACA

MALAKI

MIYERKOLES

NAMILIGRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with