^

Bansa

Notary public sa kalsada bawal na

-
Ipinagbabawal na ng Korte Suprema ang paglalagay ng mga notaryo publiko sa mga kalsada kung saan nagmumula ang katiwalian.

Base sa tatlong pahinang resolusyon na ipinalabas ng Supreme Court (SC) en banc, inatasan nito ang lahat ng mga abogado na may komisyon para sa notaryo publiko na alisin na ang lahat ng kanilang mga puwesto sa mga lansangan.

Bukod dito ipinag-utos din ng SC na magtatag ng kanilang sariling opisina ang mga notary public upang maging pormal ang kanilang komisyon para sa kanilang propesyon.

Idinagdag pa ng SC na mayroon namang mga pagkakataon na papayagan nila ang pagno-notaryo sa ilang pampublikong lugar katulad ng convention halls, hotels kung saan ay may isinasagawang panunumpa at lagdaan ng mga kontrata.

Kabilang din dito ang mga ospital kung saan ang isang tao ay naka-confine at kailangang maipa-notaryo ang isang kontrata o ilang mga emergency cases kung saan kailangang mai-notaryo ang ilang dokumento na kanilang kakailanganin.

Pinagsusumite naman ng report ng SC ang mga notaryo publiko ng address ng kanilang opisina at kung lilipat ng tanggapan ay kailangang ipagbigay alam ito sa hukom na nagpalabas ng kanilang komisyon.

Binigyan babala naman ng SC na kanilang paparusahan ang sinumang notary public na lalagda ng mga pekeng dokumento at makikipagsabwatan sa mga taong gagawa ng iregularidad.

Ipinalabas ng SC ang naturang kautusan matapos silang mabahala na minamaliit ang mga notaryo publiko lalo kung nagkalat ang mga ito sa mga bangketa at iba pang pampublikong lugar na hindi nababagay sa isang abogado. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

BINIGYAN

BUKOD

GEMMA AMARGO

IDINAGDAG

IPINAGBABAWAL

KANILANG

KORTE SUPREMA

NOTARYO

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with