Jawo weakest link

Lumitaw umanong weakest link sa panig ng oposisyon si Sen. Robert Jaworski, subalit hindi na ito ikinabigla ng oposisyon.

Kinumpirma kahapon ni Zamboanga City Rep. Celso Lobregat na madalas ay hindi umano dumadalo si Jaworski sa ilang pagpupulong ng oposisyon kaya noong una pa man ay malaki na ang kanilang hinala sa pagkalas nito. Ito aniya ang dahilan kung bakit lagi itong kinakausap ni Sen. Edgardo Angara upang masiguro na hindi ito babaligtad.

Kung tutuusin aniya ay mas naunang pinagdudahan na tatalon sa grupo ng administrasyon sina Senators Blas Ople at Tito Sotto. (Ulat ni Malou Escudero)

Show comments